Lagi akong nakakarinig ng kanta tuwing umaga bago ako pumasok.. "Mula sa humig ni Pepe Smith... mula kay Joey Ayala..."
So, let me pay tribute to Mr. Joey Ayala by posting one of his song na na-browse ko rin naman sa internet...
Eto yun:
"Magkabilaan ang Mundo"
ang katotohanan ay may dalawang mukha
ang tama sa iyo ay mali sa tingin ng iba
may puti may itim, liwanag at dilim
may pumapaibabaw, at may sumasailalim
ang tubig ay sa apoy, ang lupa ay sa langit
ang araw ay sa gabi, ang lamig naman ay sa init
kapag nawala ang isa, ang isa'y di mababatid
ang malakas at ang mahina'y magkapatid
magkabilaan ang mundo
magkabilaan ang mundo
magkabilaan ang mundo
ang hirap ng marami ay sagana ng iilan
ang nagpapakain, walang laman ang tiyan
ang nagpapanday ng gusali at lansangan
maputik ang daan tungo sa dampang tahanan
magkabilaan ang mundo
magkabilaan ang mundo
magkabilaan ang mundo
magkabilaan ang mundo
magkabilaan ang mundo
may mga haring walang kapangyarihan
mayroon ding alipin na masmalaya pa sa karamihan
may mga sundalo na sarili ang kalaban
at may pinapaslang na nabubuhay nang walang hanggan
magkabilaan ang mundo
magkabilaan ang mundo
magkabilaan ang mundo
may kaliwa't may kanan sa ating lipunan
patuloy ang pagtutunggali, patuloy ang paglalaban
pumanig ka, pumanig ka.
huwag nang ipagpaliban pa
ang di makapagpasiya ay maiipit sa gitna
bulok na ang haligi ng ating lipunan
matibay ang pananalig na ito'y palitan
suriin mong mabuti ang iyong paninindigan
pagka’t
magkabilaan ang mundo
magkabilaan ang mundo
magkabilaan ang mundo
magkabilaan ang mundo
No comments:
Post a Comment